Set in Sapporo ang kwento. So expect na makasulyap sa iba't ibang tanawin sa Hokkaido, Japan. Pinagbibidahan nina Alessandra De Rossi bilang Lea at Empoy Marquez bilang Tonyo, ang pelikula ay mayroon lamang dalawang pangunahing tauhan. Wala masyadong may ekstrang role ng nanay, tatay, bespren, o barkada na pampahaba lang minsan ng airtime.
Gusto ko ang pamamaraan ng pagtalakay ng kwento. Gamit ang bilang isa hanggang sampu, naibahagi nito ang naramdaman ng tauhan, pisikal man o emosyonal. Minsan ay hugot, madalas ay pagmumulan ng halakhak.
Love is blind, ika nga. Pero alam na natin yan. Gasgas na nga yan. Kung iniisip mong komedya ito ng katagang iyan dahil bulag si Lea na nagkagusto kay Tonyo, tama ka. Pero mali ka rin.
Ayoko ng spoiler kaya't di ko sasabihin ang mga rebelasyon (na ang iba ay medyo may give away naman sa una kung mahusay na manonood pero ang ilan ay wala) pero let me just quote Tonyo,
"Ang labo mo. Nung nakakakita ka pa, hindi mo ako nakikita. Nung nabulag ka, tsaka mo ako nakita."
IMHO, this movie is so much better than the hyped Tadhana movie of Angelica Panganiban and JM De Guzman.
No comments:
Post a Comment